by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 15 July 2015

Sabay-sabay na naglinis ng mga kanal at drainage ang mga tauhan ng San Agustin Municipal Police Station at ng Bureu of Fire Protection Romblon sa bayan ng San Agustin kahapon, July 14 bilang patuloy na pagsugpo sa nakakamatay na sakit na dengue sa lugar.
Batay sa pinakahuling taya ng Municipal Health Office ng lugar, umabot na sa 7 Kaso ng Dengue, naitala sa San Agustin.
San Agustin ang isa sa may pinakamaraming kaso ng dengue na naitala sa buong lalawigan ng Romblon.



