7 Kaso ng Dengue, naitala sa San Agustin

Written by Jackey Tapao | Romblon News

by Jackey TapaoRomblonNews | Saturday 11 July 2015

Dengue fever-carrying mosquito

Patuloy ang isinasagawang pag puksa ng Department of Health at mga Health Officials ng lalawigan ng Romblon sa sakit na dengue sa lalawigan.

Tumungo ang mga health officials ng lalawigan sa bayan ng San Agustin nitong Biyernes, July 10, upang bigyan pansin ang pagtaas ng kaso ng dengue sa bayan. Batay sa datos ng Health Unit ng San Agustin, umabot na sa pito (7) katao ang tinamaan ng nakamamatay na sakit; pinakamarami ang pasyente na tinamaan ng sakit sa Barangay Binongaan.

Nagsagawa na rin ang Municipal Health Unit ng seminar sa mga barangay patungkol sa kung paano labanan ang nasabing sakit.

Sa susunod na araw, magsasagwa ng tinatawag na 'misting' ang mga opisyal ng Department of Health sa bayan para maagapan ang pagdami ng mga pasyente.

Paalala naman ng mga opisyal ng Deparment of Health, kung may naranasan na sentomas ng dengue, isugod agad sa pinakamalapit na Hospital para maagapan.

Ang mga taong nahawa ng birus ng dengue ay karaniwang walang ipinapakitang sintomas (80%) o mayroon lamang mga banayad na mga sintomas tulad ng lagnat na walang komplikasyon. Ang iba ay mayroong mas malubhang karamdaman (5%), at sa isang maliit na bahagi ito ay nagbabanta sa buhay. Ang panahon ng inkubasyon ay mula 3 hanggang 14 na mga araw, ngunit mas madalas ito ay 4 hanggang 7 mga araw.

Madalas na nakararanas ang mga bata ng sintomas katulad ng sa karaniwang sipon at gastroenteraytis, at karaniwang mayroong mas hindi malubhang mga sintomas kaysa sa mga nasa hustong gulang, ngunit mas madaling kapitan ng mga malubhang komplikasyon.