
Hindi alintana ng mga kandidata ng Miss Earth 2018 ang init at pagod na kanilang nararanasan sa huling araw ng kanilang eco-tour sa probinsya ng Romblon.
Ngayong araw inikot ng mga kandidata ang bayan ng San Agustin na umano'y first time na may bumisitang mga kandidata ng Miss Earth International. Layunin ng mga kandida na ipromote ang 'Re-use, Re-cycle, Re-think' para maingatan ang ating Mundo.
Unang inikot ng mga dilag ang sentro ng bayan kung saan sinalubong sila ng mga kawani ng Munisipyo ng San Agustin, mga mag-aaral at ilang residente ng nasabing bayan. Nagkaroon rin ng courtesy visit ang mga dilag sa opisina ni San Agustin Mayor Denon Madrona.
Bumisita rin sila Gorda Point View Deck para masaksihan ang ganda ng dagat ng San Agustin at makati ang ipinagmamalaki ng bayan na Blue Hole.
Dumalo rin ang mga dilag sa pagpapasinaya ng kauna-unahang zipline sa Tablas Island na matatagpuan sa Biariangan Island.
Samantala, pinasalamatan naman ng Munisipyo ng San Agustin sina Ms. Aileen Solidum Campos, Ms. Merlyn Fely Solidum Viola, at si Ms. Elle Fabic Madrona para sa pag-sponsor sa nasabing eco-tour sa mga kandidata ng Miss Earth 2018.
Inaasahang lilipad na pabalik ng Manila bukas ang mga kandidata.
