Miss Earth Beauties to visit San Agustin town for an eco-tour

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Miss Earth 2018 FB PagePhoto Courtesy: Miss Earth 2018 FB Page

Nakatakdang bumisita sa darating na Linggo sa bayan ng San Agustin sa Tablas Island, Romblon ang ilan sa mga nag gagandahang dilag na kasali sa Miss Earth 2018 para sa kanilang Eco-Tour.

Base sa calendar of activities ng mga deligates ng Miss Earth 2018, mula October 14 hanggang 17 ay nasa San Agustin sila para sa kanilang eco-tour.

Dahil dito nagpaplano na ng security plan ang San Agustin Municipal Police Station at nakikipag-ugnayan na sa Municipal Tourism Office ng San Agustin para masigurong ligtas ang mga kandidata sa kanilang pananatili sa probinsya.

Hindi tinukoy ang mga papasyalan ng mga dilag ngunit posibleng mabisita nila ang bubuksang zipline sa Biaringan Island at ilan pang naggagandahang lugar sa bayan.