PUI mula sa Sibale, nag positibo sa Covid-19

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Kinumpirma ngayong umaga ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) na nagpositibo sa Covid-19 ang isang pasyente na mula sa bayan ng Concepcion, Romblon.

Ang nasabing resulta ng test ay dumating sa PESU ngayong umaga ng Martes, May 12.

Matatandaang May 6 nang madagdag sa tracker ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit ang nasabing pasyente bilang suspected patient.

Ayon sa Department of Health - Romblon, kasalukuyang nasa isang ospital sa Oriental Mindoro ang nasabing pasyente.

Magpapatawag ngayong umaga ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng Concepcion kaugnay sa balita.