by Ressie Fos, RomblonNews | Friday, 10 July 2015
elec pesoKamakailan ay lumabas ang balita tungkol sa pagsasampa ng kaso ng COMELEC laban sa 32 kandidato noong 2010 at 2013 elections, kasama na nga rito ang dating vice-mayor ng Concepcion (Sibale) dahil diumano sa sobrang paggastos ng mga ito sa election, na lampas sa itinatakda ng Omnibus Election Code na P3 (Tres Pesos) para sa bawat rehistratdong botante (with party) or P5 (Limang Piso) naman kung ang kandidato ay independent candidate.
Malinaw naman na makatotohanan ang budget, kung ito nga naman ay para lang sa kapirasong papel tulad ng sample ballot at isang leaflet.
Obvious naman na sa puntong ito ay malinis ang intensiyon ng COMELEC na hindi nararapat na gumastos ng malaki ang isang kandidato sa halalan para sa botante. Pero teka, 'para sa botante"? Ibig bang sabihin e, 'direct cost' para sa botante?
Pero, ang limitasyon naman sa pag gastos ay masasabi na hindi absolute, dahil kung pinapayagan naman pala ang mga indirect cost at ibang mga election campaign materials na lalabas na hindi naman gastos direkta ng kandidato.
Kaya mapapansin natin, karamihan sa mga nakikita nating campaign materials ay laging may nakasulat na "Donated by Friends of ..." para palabasin na ang naturang materyal ay donasyon lamang. Maaring mga dummy lamang ang tinatawag na 'friends'.
Moreso, kung may totoo ngang friends na nagdodonate, maaaring ang mga ito'y makakatanggap din ng pabor kapag nanalo ang kanilang minamanok na kandidato, tulad ng pabor sa negosyo, pwesto sa administrasyon, at iba pa. Samakatuwid baga'y maaaring maging daan din lang ito ng kurapsyon.
At syempre with that, na serve ba ang purpose ng COMELEC sa paglimita ng gastos sa halalan sa totoong esensya nito?
I don't think so.
Bakit hindi na lang gawing absolute ang limitasyon like, dapat hindi tataas sa 20,000 pesos ang gastos ng isang kandidato sa election, personal man ito o donasyon?



