by Ressie Fos, RomblonNews | Monday, 06 July 2015
Facebook Hacking Alert:
FB hackedKamakailan lamang ay may isang babae na taga Odiongan ang naging biktima ng hacking sa Facebook. Bagamat marami at matagal na ring may mga nilabas na babala upang makaiwas sa mga cyber criminals, nais kong muling ibahagi ang ilang mga bagay upang makaiwas sa mga hackers.
Kapag kayo po ay may mareceive na text message na parang ganito, "favor naman pde ba kita add sa trusted contact sa fb? need ko kasi 3 friends na magbigay ng code para ma reset ko password ko sa facebook. pls pm ka naman if may mareceive ka code tnks.." -- ITO PO AY ISANG MODUS NG HACKER... TANDAAN po na ang pag RETRIEVE NG LOST PASSWORD OR ACCOUNT INFO SA FB ay HINDI sa pamamagitan ng 3 pang friends, kundi ito lahat ay personal. Wala pa po akong alam na online account tulad ng FB, email, etc na kung mag retrieve ng account info ay through 3rd persons pa.. Maliwanag na ito po ay isang "hacking bait"
Para po makaiwas sa hacking:
- Never na e click ang mga spammed email, sms or pm na mga link.
- Wag e click o open ang mga lumalabas sa timeline na masyadong nakaka curious na post, tulad ng mga sexual, kakaibang nilalang, etc, lalo na kung hihingi muna ng acceptance bago mo ma view ang media. Ito po kadalasan ay 'hacking bait'
- Gawing complikado ang password - alphanumeric combination. Wag gamitin ang mga initial o kaya ay birthday or combination ng mga pangalan mo or family mo as password.
- Laging e clear ang cache ng inyong internet browser pati n rin ang mga temporary files.
- Iwasan ang pag gamit or integrate ng mga 3rd party app sa inyong FB
- Pinaka importante, never maglagay ng 'TOO PRIVATE' na file sa inyong FB tulad ng mga nude photos, bank account info, etc. just in case s worst scenario na ma hack nga ang inyong FB, ay walang maibubulatlat ang hacker.
- Pag napansin nyo na may suspicious hacking ang inyong account, e secure nyo kaagad ito by changing all your account details and making a public announcement of the incident para hindi maka panggap ang hacker messaging your friends para sila ay biktimahin din.



