
Kinundena ng League of Provinces of the Philippines (LPP) ang tangka sanang pagpatay ng isang lalaki kay Occidental Mindoro Eduardo Gadiano sa loob ng kanyang opisina sa Provincial Capitol noong September 1.
Sa press release ng LPP, sinabi ni Marinduque Gov. Presbitero J. Velasco Jr., kasalukuyang presidente ng LPP, na hindi nila matanggap ang walang katuturang pagtatangka sa buhay ng kanilang kasamahan.
Sinabi rin nito na hindi dapat iwanang hindi sinisiyasat at hindi nalulutas ang nagananap na insidente.
Nanawagan rin ito sa mga otoridad na siyasatin ng mabuti ang nasabing pangyayari, hindi lamang dahil opisyal ng gobyerno si Gadiano ngunit dahil banta rin ito sa pangkalahatang kapayapaan at seguridad ng lalawigan, lalo na umano't nangyari sa loob mismo ng opisina ng gobyerno.
"Bagaman ang mga pag-atake na tulad nito laban sa aming mga lokal na opisyal ay minsang nakikita bilang isa sa mga panganib sa trabaho, hindi natin hahayaan itong magpatuloy na hindi matalo," dagdag pa niya.
Gayunpaman, ang kanyang mga kasamahan sa LPP ay masaya at nagpapasalamat na ligtas ang Gobernador, pagpapatuloy ni Velasco.
Sa huling ulat ng pulisya, nakakulong na ngayon ang suspek na kinilalang si Adrian B. Gatdula, residente ng Barangay 2, Sta. Cruz, Occidental Mindoro.
Nauna ng sinabi ni Governor Gadiano na hindi niya alam ang motibo ni Gatdula kung bakit niya nagawa ang krimen laban sa kanya.



