Pantay-Pantay na Karapatan

Written by GenderProtector

by Gender Protector, RomblonNews | Wednesday, 08 July 2015

"Ay Bakla!", kadalasang sambit ng tambay sa kanto kapag daraan ang isang lalakeng tingin nila ay beke. Simpling salita subalit nakaka panliit sa damdamin ng pinariringan. Ang ganitong panlalait ay isang masalimuot at masukal na suliranin para sa mga kapatid nating nasa ikatlong uri ng pagkatao, Bakit?

Sapagkat di nila nakakamit ang katarungan, pantay na karapatan, at ang pantay na pagtingin ng mga kapwa tao sa kanila.

Nakakalungkot lang isipin na hanggang sa kasalukuyan ay nakaka salubong parin tayo ng mga taong sinusukat ang kakayahan ng mga kapatid nating nasa ikatlong kasarian.

Bakit ipinagkakait?

Nagsiliparan na sa Social Media ang mga mapang insultong ginagawa ng tao sa ating mga kapatid na beke. Wala tayong karapatan manghusga sa ating kapwa, dahil hindi natin alam kung anong pinagdadaanan nila.

Tao rin sila, hindi iba ang kanilang kinakain, hindi iba ang kanilang iniinum at naamoy na hangin sa mundo.

Kasalanan ba na maging bakla o tomboy siya? Huwag na nating pakiaalaman kung ano siya, ang mahalaga dito hindi siya tulak ng druga at wala siyang ginagawang masama sa nakararami.

Ika nga sa isang kanta, "Kung ano ang di mo gusto, wag gawin sa iba... Punasan muna ang yung putik sa mukha."

Wala nga bang karapatan ang mga bakla, at tomboy sa ating lipunan?

Lahat tayo ay may karapatan, lahat tayo ay may dignidad na pinanghahawakan, kung sino man sila at kung ano ang bumabalot sa kanila, ito ay kanilang kayamanan.

Matatandaang pantay-pantay ginawa ng Diyos ang tao, binigyan tayo ng Maykapal ng kanya kanyagn talento at katangian.

Ang bawat isa sa atin ay may pinanghahawakan, kung ano siya, siya yun at kung ano ka, ikaw yun, ngunit pareho tayong tao, bakla man o tomboy.

Tingin ko, dapat makaamoy ng mabangong kalayaan at karapatan ang bawat isa, sapagkat malayo tayong bansa. Malayo tayong mga anak ng Diyos.

Karapatan ng bawat isa'y ipaglaban. 


Gender Protector, is only an alias of the writer who wrote this article.