by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tueday, July 21, 2015
Muling nagpaalala ang Malacañang sa publiko na ang araw ng July 27, Monday, ay isang special national working holiday.
Ito ay kasunod ng patuloy na pagkalat sa social media na mga balita kaugnay sa special non-working holiday na dineklera ni Pangulong Aquino noong nakaraang taon kaugnay naman sa centennial anniversary ng Iglesia Ni Kristo.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), makakatanggap parin ng normal na sahod ang mga empleyado sa tuwing special working holidays.
"No premium pay is required since work performed on said days is considered work on ordinary working days," ayon sa DOLE.
Hindi pa tiyak kung gagawing holiday ng Palasyo ang July 27, Monday dahil sa ito ay araw rin ng huling State of the Nation Address ng Pangulo ng Pilipinas.



