by Paul Jaysent Fos/Eugene Rex Manzano Dianco, RomblonNews | Sunday, 12 July 2015
Kaugnay ng election ng mga opisyales ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na ginanap ngayong araw, July 12, 2015 sa Manila, nahalal si Bishop Narciso Villaber Abellana ng Romblon bilang isa sa kakatawan ng Visayas para sa CBCP Permanent Council. Kasama nyang nahalal upang kumatawan ng Visayas ang obispo ng Boronggan, Eastern Samar na si Bishop Crispin Varquez. Kasama ang iba pang mga nahalal, ang kanilang serbisyo ay magsisimula sa Disyembre 1, 2015 hanggang Nobyembre 30, 2017.
Si Bishop Narciso Villaber Abellana ay ipinanganak noong Nobyembre 9, 1954 sa bayan ng Talisay sa Cebu. Naordinahan sya bilang isang Dyakuno noong May 1978, bilang isang Pari noong December 28, 1978, at bilang isang Obispo noong December 11, 2013.
Sa kanyang ministeryo sa Romblon, nahirang siya bilang Fifth Bishop ng Diocese ng Romblon noong October 15, 2013, samantalang noong Disyembre 11, 2013 naman naordinahan siya bilang fifth Bishop ng Diocese of Romblon. Noong January 9, 2014, siya ay ganap na itinalaga bilang Obispo ng Diocese of Romblon.



