by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | 06 July 2015

Kahit patuloy na lumalayo ang bagyong Egay sa landmass ng Pilipinas, mananatiling maulan parin ang bansa dahil sa papalapit na bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Ang nasabing pag-uulan ay dahilan ng hanging habagat na palalakasin ng bagyong Egay at ang Chan-Hom.
"Ang pangunahing magdadala ng malakas na ulan (ngayong linggo) sa bansa ay ang enhanced monsoon," ayon kay PAGASA forecaste Aldczar Aurelio.
Ayon kay Aurelio, hindi tatama sa landmass ng Pilipinas ang bagyong Chan-Hom.
Kapag nakapasok na ang bagyong Chan-Hom sa Philippine Area of Responsibility, papangalanan itong Falcon na magpapaulan sa bahagi ng Luzon at Visayas bago matapos ang Linggo na ito.
Nakataas parin ang Storm Signal #1 sa ilang bayan sa Northern Luzon dahil sa bagyong Egay:
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- Abra
- Batanes
- Calayan and Babuyan Islands
- Northwest of Cagayan
- Apayao
ROMBLON
Pabugso-bugso naman ang ulan na naranasan sa iba' ibang bahagi ng probinsya ng Romblon ngayong araw.
Tinanggal na rin ang gale warning sa lalawigan ngayong araw at pinayagan nang bumayhe ang mga motorbanca.
Paul Jaysent Fos, is the Founding Editor of Romblon News Network



