122 baby green sea turtle hatched on Maundy Thursday in Santa Fe

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Joey VenancioPhoto Courtesy: Joey Venancio

Aabot sa 122 na baby green sea turtle o pawikan ang napisa nitong Huwebes Santo sa mismong Kabalian beach sa Bgy. Agmanic, Sta Fe, Tablas island, Romblon.

Ang nasabing mga baby green sea turtle sa ngayon nasa pangangalaga ni Julito Valentin, caretaker ng nasabing beach at nakalagay ang mga ito sa isang hinating gulong na may mga lamang.

Naipasabi na umano ni Valentin kay Municipal Agriculturist Charlie Andres Jr. ang nasabing mga pawikan at hiniling na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maalagaan.

Ang mga nasabing gree sea turtle ay isa sa mga itinuturing na endangered species ng Department of Environment and Natural Resources.