Magnitude 3.5 quake hits San Jose, Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo by PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGYPhoto by PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

Niyanig ng isang magnitude 3.5 na lindol ang ilang bayan sa lalawigan ng Romblon at Aklan nitong gabi ng Martes ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang sentro ng lindol kaninang 9:54 ng gabi sa layong 006 km S 82° E ng bayan ng San Jose.

Ayon sa Phivolcs, techtonic ang dahilan ng lindol at naramdaman ang intensity 4 nito sa bayan ng Malay, Aklan.

Hindi inaasahan ng ahensya na may malalaking pinsala ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.