Carabao Island, may 24 Oras na kuryente na simula July

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Kinumpirma ng pamunuan ng Sunwest Water and Electric Company (Suweco) sa San Jose, Romblon na makakaranas na ng 24 oras na kuryente ang Carabao Island simula sa susunod na buwan.

Dumating na nitong Lunes, June 10, sa Carabao Island ang tatlong diesel electrical generator na kayang mag produce ng 350kw kada isa.

Ayon kay Mayor Ronnie Samson, malaking tulong sa mga taga-Carabao Island ang pagkakaroon ng 24 oras na supply ng kuryente lalo na umano ngayong marami ng turista ang bumibisita at marami na ang nagtatayo ng mga business at resorts sa isla.

Sa ngayon, wala umanong kuryente sa umaga sa isla at nagkakaroon lamang ng kuryente pagpatak ng alas-2 ng hapon.

Hawak ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. (TIELCO) ang power distribution sa isla ng Carabao Island, at sa Tablas Island.