Tatlong malalaking Christmas Tree sa San Jose, pinailawan na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy of Ken LeonardoPhoto Courtesy of Ken Leonardo

Damang-dama na ang pasko sa Carabao Island sa San Jose, Romblon matapos pailawan ang tatlong higanting Christmas Tree sa harap ng kanilang munisipyo.

Ang bawat Christmas Tree ay pinuno ng iba't ibang pailaw at mga pasabit kagaya ng Christmas santa clause sacks, at mga ornaments.

Siyempre, hindi mawawala ang malalaking star o parol sa taas ng bawa't Christmas Tree na simbolo ng masayang paskong Pinoy.