Mga estudyante ng Lanas ES, nakiisa sa Nationwide Earthquake Drill

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nakiisa sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ang mga estudyante ng Lanas Elementary School sa bayan ng San Jose, Romblon ngayong araw.

Ayon sa isa sa kanilang guro na si Edison Manuel, saktong alas-2 ng hapon nang mag 'duck, cover, and hold' ang kanilang mga estudyante mula sa Grade 1 hanggang Grade 6.

Tinuruan rin nila ang kanilang mga estudyante kung paano mag rescue kung sakaling may mga kapwa kamag-aral silang nasugatan o kailangang i-rescue.

{googleads center}