Peace Covenant ng mga politiko, nilagdaan sa iba't ibang munisipyo sa Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Mga tatakbo sa Barangay and SK Elections 2018 sa Odiongan, Romblon | Photo Courtesy: Odiongan Municipal Police StationMga tatakbo sa Barangay and SK Elections 2018 sa Odiongan, Romblon | Photo Courtesy: Odiongan Municipal Police Station

Nagsagawa nitong mga nakaraang araw ng Unity Walk at Peace Covenant Signing ang iba't ibang politiko na tatakbo sa Barangay and SK Election sa darating na May 14.

Sa Romblon, Romblon, aabot sa 667 candidates sa pagka Barangay Captain, Kagawad at SK Chairman at Kagawad ang lumagda sa kanilang peace covenant nitong umaga ng Linggo sa Romblon Public Plaza.

Ayon sa pulisya, ang nasabing aktibidad ay pangungunan ng Romblon Municipal Police Station at ng Commission on Elections sa pangunguna ni Mrs. Noreen Macaria Miñano.

Sa Odiongan, Romblon naman aabot sa 507 na kandidato sa lahat ng Barangay ng Odiongan ang sumali sa peace covenant signing at unity walk sa Poblacion kaninang uamga.

Ayon sa pulisya ang pag-sign sa nasabing covenant ay para masiguro na mapapanatiling maayos ang kampanya ngayong taon.