PUI in San Fernando tested negative to Covid-19

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isa nanamang suspected Covid-19 patient, dating PUI, ang nag negatibo sa isinagawang test batay sa resulta na inilabas ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit ngayong ika-28 ng Abril.

Ang nasabing pasyente ay kasalukuyang nagka home quarantine sa bayan ng San Fernando.

Siya ay isa sa anim na suspected Covid-19 patient na kinunan ng swab test para ipadala sa San Lazaro Hospital sa Metro Manila para isalang sa polymerise chain reaction (PCR) test.