Christmas Tree lighting to highlight Day 1 of Pag-Alad Festival

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Jet Lee SolidumPhoto Courtesy: Jet Lee Solidum

Nakatakdang pailawan sa unang araw ng Disyembre ang higanteng Christmas Tree ng bayan ng San Fernando, Romblon kasabay ng opening day ng PAG-ALAD Festival 2018.

Kasabay ng pagpapailaw ay ang pagkakaroon ng kompetisyon na tatawaging FIESTMAS-SAYA kung saan magkakaroon ng Parol, Christmas Tree, at Belen Making Contest.

Inaasahang magsisimula ang countdown sa pagpapailaw ng 60ft Giant Christmas Tree pagpatak ng alas-6 ng gabi sa boundery ng Barangay Pili at Poblacion.

Ang PAG-ALAD Festival 2018 sa bayan ng San Fernando, Romblon ay magsisimula sa December 01 at magtatapos ng December 08.