Cruise Ship with 180 French, Australian tourists visited Sibuyan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: San Fernando MPSPhoto Courtesy: San Fernando MPS

May aabot sa 180 na French at Australian nationals na sakay ng cruise ship na L'Austral ang bumisita ng San Fernando, Sibuyan Island, Romblon nitong Martes, June 19.

Sinalubong ang mga turista ng ngiti at pagbati mula sa mga locals ng bayan ng San Fernando, sinabayan rin ito ng malalakas na tunog ng tambol ng isang grupo. Sinalubong rin sila ng grupo ng Bayay Sibuyanon at ng Provincial Tourism Office para i-welcome sa lalawigan.

Binisita ng mga turista ang ilang lugar sa San Fernando gaya ng Casa de San Fernando, Cantingas River, Dagubdob Falls at ang sikat na Cresta de Gallo.

Tuwang-tuwa naman ang mga turista ng masubukan nila kung paano magtanim ng palay nang sila'y bumisita sa Sitio Botongcogon sa Brgy. Taclobo.

Ang pagbisita ng L'Austral sa San Fernando ay ikalawa na ngayong taon. Nauna na silang bumisita sa lalawigan sakay ang ibang grupo ng mga turistang French at Australian Nationals noong Abril.