2 roads still closed in Sibuyan Island due to 'Urduja'

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Hindi parin madaanan ang dalawang kalsada sa Sibuyan Island, Romblon dahil sa iniwang epekto ng bagyong Urduja sa isla.

Ayon sa report ng DPWH – Bureau of Maintenance (DPWH-BOM), ang mga hindi madaanang kalsada ay sa Km. 39+500 at Km33+900 ng Sibuyan Circumferential Road at ang Tinimbawan Bridge (RCPC) Detour Bridge.

Sinira ang bahagi ng Circumferential Road ng landslide habang pagragasa ng tubig naman ang sumira sa Tinimbawan Brige Detour.

Batay sa pinakahuling ulit ng Department of Public Works and Highways aabot na sa P14,000,000 ang kabuoang pinsala sa buong probinsya pagdating sa mga infrastracture na hawak ng DPWH-Romblon.

May mga naitalang landslide rin sa isla ng Corcuera, Romblon, at ilang bayan sa Tablas Island.