DOLE IV-B grants second WODP scholarship for Romblon

Written by Romblon News

by RomblonNews with reports from Renell Mayo of DOLE-Romblon | Tuesday, 08 September 2015

Pinagkalooban ng Department of Labor and Employment (DOLE) IV-B sa pangunguna ni Regional Director Teodoro Delson ang isang estudyante ng Romblon State University San Fernando Campus sa Sibuyan Island ng Workers Organization Development Program (WODP) Scholarship.

Ang nasabing estudyante ay i Ms. Charise A. Amistoso, 21 years old, miyembro at secretary ng Otod Producers and Traders Multi Purpose Cooperative (OPTRA MPC).

Si Ms. Amistoso ay kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Elementary Education (BEEd) ngunit lilipat siya sa susunod na semester sa Bachelor of Secondary Education (BSEd) major in Bilogoly o Physics dahil sa magandang opurtunidad sa susunod na mga taon dahil sa programa ng Department of Education na K-12.

Si Amistoso ay graduate ng Don Carlos M. Majias Memorial National High School noong 2010. Ayon sa kanya, tumigil siya ng halos 4 na taon dahil sa kakulangan ng pera na pang aral sa koleheyo.

Pangalawa si Amistoso sa Romblon na napagkalooban ng WOPD Scholar kasunod ni Maria Jodena Musa ng Li-o Parents Asociation sa Barangay Li-o, Romblon, Romblon at kasalukuyang kumukuha ng BSIT sa Romblon State University Sawang Campus.

Ayon sa DOLE-Romblon, ang mga gastusin sa paaralan ni Ms. Amistoso ay sasagutin ng opisina mula school year 2015-2016 hanggang 2018-2019.

Kapalit nito kinakailangan ni Amistoso na makakuha ng matataas na marka para hindi tanggalin sa kanyang ang scholarship na pinagkaloob ng DOLE.

Nagulat naman si Amistoso na siya ang nakakuha ng award.

“Lubusan po akong nagpapasalamat at ako po ay natanggap bilang scholar ng DOLE. Malaking tulong po ito sa pag-aaral ko. Wala na po akong dahilan upang huminto sa pag-aaral. Pagbubutihin ko po ang aking pag-aaral bilang kapalit sa tulong na ibinigay ng DOLE. Maraming salamat po” ayon sakanya.