DOLE IV-B awards 3.9M to 13 livelihood projects in San Fernando, Romblon

Written by Romblon News

by RomblonNews with reports from Renell Mayo of DOLE-Romblon | Tuesday, 08 September 2015

Pinagkalooban ng Department of Labor and Employment (DOLE) IV-B sa pamamagitan ng DOLE Romblon Field Office ang 13 associations sa San Fernando, Romblon ng Php 3,973,051.00 para sa kanilang livelihood projects.

Inabot ito nina DOLE IV-B Regional Director Teodoro Delso kina Mayor Salem Tansingo at mga opisyal ng mga association nitong August 14 sa Municipal Auditorium, Poblacion, Romblon.

Sa taya ng Department of Labor and Employment 1,656 na beneficiaries ang kanilang matutulungan at miyembro ng 13 na association. Ito ay binubuo ng five (5) informal workers associations, two (2) women’s associations, one (1) fishermen association and one (1) indigenous peoples group (ips).

Ito ay ang mga Mabulo Organic Farmers Association (MOFA), Ugod-Ugod Association, Poblacion Producers and Traders Association (PROTAS), Samahan ng mga Tunay na Mangingisda at Magsasaka, Daycare Workers Association of San Fernando, Romblon, San Fernando Federation of Community-Based Agriculture & Sustainable Livelihood Program Beneficiaries, Inc. (SFFCBASLPBI), Cantingas Eco-Adventure Zone Association (CEAZA), Mabulo Laborers and Traders Association (MaLTA), España Association of Trade and Services (EAST), Progressive Women’s League-Romblon (PWLR) Federation Association-San Fernando Chapter, Women CARP Beneficiaries Dressmakers Association (WOCABEDA), Cabitangahan Development Organization (CDO), and Samahan ng Mamamayan ng Sitio Layag (SaMaSiLa).

Hinamon rin ni Mayor Tansingco sa isang pahayag ang mga opisyal na association na ayosin ang pag-implement sa kanilang mga programa para sa makita ng mga miyembro ang development at progress sa business.

Pinasalamatan naman ni Director Delson ang mamayan ng nasabing byan sa mainit na pag welcome sa kanya sa San Fernando at ang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng DOLE.

“Ako’y lubos na nagagalak sa ibinigay ninyong pagkakataon na makadalo at masaksihan ang inyong taos pusong pagtanggap sa mga proyektong pangkabuhayan sa ipinagkaloob sa inyo ng Kagawaran ng Pang-Empleyo at Paggawa, kasama ang administrasyon ng Bayan ng San Fernando”, ayon kay Dir Delson.

“Kami po ay nagagalak sapagkat nakikita po namin na patuloy po ang inyong pagpupunyagi na mapaunlad ang inyong Bayan. Sa inyo pong pakikiisa sa mga programa at proyekto na ipinapatupad ng aming tanggapan, nagiging matagumpay ang hangarin na mabigyan ng trabaho an gating mga kababayan at matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan,” dagdag ni Dir. Delson.

Nangako naman si PROTAS President Ailey Riano na kanilang sinisigurado na makikita ang pag-usbong ng business ng kanilang kooperatiba.

“Hindi po namin sisirain ang tiwala at tulong na ipinagkaloob sa amin para magkaroon kami ng karagdagang kabuhayan. Malaki ang maitutulong nito sa aming pang-araw-araw na pamumuhay at sa ikauunlad ng aming pamayanan”, ayon kay Riano.