Grass Fire, sumiklab sa San Andres nitong tanghali ng Lunes

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Anjo Rey FregonPhoto Courtesy: Anjo Rey Fregon

Kabi-kabilang grass fire na ang naitala ng Bureau of Fire Protection sa probinsya ng Romblon nitong huling dalawang linggo lamang.

Ngayong Lunes ng tanghali, isa nanamang grass fire ang sumiklab sa bahagi ng isang bundok sa Barangay Calunacon sa bayan ng San Andres sa Tablas Island, Romblon.

Ayon sa report na nakarating sa Romblon News Network, bandang alas-11 ng umagg nagsimula ang sunog at dahan-dahang kumalat sa mga tuyong dahon.

May kalayuan naman sa residential area ang sunog.

Wala pa namang naiuulat na nasaktan o kung may bahay na nadamay sa nasabing apoy.

Related Articles: Halos 5 ektaryang lupain sa Odiongan, nasunogBahagi ng bundok sa Ferrol, nasunog nitong Huwebes