Ilang kalsada sa San Andres, binaha dahil sa pag-uulan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Jordan Fernandez DoradoPhoto Courtesy: Jordan Fernandez Dorado

Nalubog sa baha ang ilang kalsada sa San Andres, Romblon nitong hapon ng Miyerkules dahil sa naranasang pag-uulan sa lugar sanhi ng Habagat na pinalakas ng bagyong Inday na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon kay Jordan Fernandez Dorado, residente ng nasabing lugar, naging pahirapan ang pag-uwi ng mga estudyante galing paaralan dahil sa lubog sa tubig na mga kalsada.

Umabot hanggang gutter deep umano ang taas ng tubig baha.

Humupa rin agad ang tubig baha makalipas ang halos isang oras.