9-hours rotating brownout, hits 3 Barangays in San Agustin

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 21 April 2016

Nakakaranas umano ng siyam na oras na brownout ang tatlong barangay sa bayan ng San Agustin simula kahapon, April 20 hanggang sa April 30.

Ang mga nasabing barangay na apektado ay ang Barangay Buli, Hinugusan, at Lusog.

Ayon sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELOC, dahil umano ito sa isasagawang ugrading sa ilang tapping lines patungo sa mga lugar na iyon.

Sa advisory na inilabas ng TIELCO kahapon, magsisimula umano ang brownout alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.