Shabu naharang ng PDEA sa San Agustin Port

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency - Romblon ang tinatayang 1.5 grams na shabu sa pantalan ng San Agustin, Romblon kaninang umaga.

Sa ulat ng PDEA-Romblon, nagsagawa sila ng K9 Inspection/Seaport Interdiction sa pantalan na nagresulta sa pagkakahuli ng dalawang lalaki.

Kinilala ang mga naaresto na sina Edward Vincent Hilario, at isang Allan Caspi Moreno.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 Article II ng Republic Act 9165 (Comrepehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang dalawang suspek.