San Agustin is building an Evacuation Center in Brgy. Dubduban

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isang evacuation center ang itinatayo ngayon sa Barangay Dubduban sa San Agustin, Romblon na pwedeng magamit ng mga taga-rito kung sakaling may sakuna na kailanganing ilikas ang mga residente.

Binisita ito nitong nakaraang araw ni San Agustin Mayor Denon Madrona para kamustahin at tingnan ng personal ang ginagawang konstraksyon.

Halos malapit na matapos ang nasabing evacuation center na halos kasing laki ng dalawang silid aralan.