Binata, arestado matapos magnakaw ng 5 bisikleta sa San Agustin

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Arestado ang isang 19-taong gulang na lalaking suspek sa pagtangay ng 5 bisikleta ng iba't ibang residente ng Barangay Cabolutan, San Agustin, Romblon nitong gabi ng Miyerkules.

Kinilala ng San Agustin Municipal Police Station ang suspek na si Jay-R Manipol Arnaiz, 19-taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 8:30 ng gabi ng November 22 nang magnakaw ng bisikleta si Arnaiz kasama ang tatlo pang minor sa mga bahay 5 biktima.

Nahuli sa follow-up operation si Arnaiz ng mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay Cabolutan ang suspek habang gamit-gamit pa ang isa sa 5 bisikleta

Narekober kalaunan ang apat na bisikleta malapit sa isang ilog sa nasabing lugar.

Hawak na ng San Agustin Municipal Police Station at nakatakdang kasuhan ng kasong Theft sa Prosecturos Office sa Romblon, Romblon.