
Isang solidarity walk ang ikinasa sa Romblon, Romblon ng Romblon Police Provincial Office, Romblon Municipal Police Station, at ASIN Movement, nitong March 30 para hikayatin ang mga botante na huwag magpapabayad para sa kanilang mga boto ngayong darating na mid-term elections.
Pinangunahan ang soft launching ng ASIN (Ang Suhol Iwaksi Natin) at ILAW (Isulong Ligal At Wasto) ni Bishop Jonel M. Milan, President, ASIN Movement, isang non-partisan movement para isulong ang good governance at HOPE (Honest, Orderly & Peaceful Election).
Nag-ikot sila sa Poblacion bago tumungo sa Romblon East Central School sa Barangay Capaclan kung saan nagkaroon ng maikling programa para ipakilala ang ASIN at ILAW.
Sa talumpati ni Bishop Milan, sinabi nito na mahalaga ang boto ng bawa't isa lalo na ngayong marami ang problemang ikinakaharap ang bansan Pilipinas.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan rin ng mga barangay official ng Romblon, Romblon at ng Commission on Elections.



