Wanted sa kasong Qualified Theft, arestado sa Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isang taon matapos na labasan ng warrant of arrest, naaresto na nitong unang araw ng Agosto ang Top 5 Most Wanted Person ng Romblon, Romblon na kinilalang si Ben Jhon Abinio Solo, 35-anyos, isang mekaniko.

Naaresto si Solo sa Barangay II sa nasabing bayan bandang alas-8 ng umaga ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Gemie Mallen.

Wanted si Solo dahil sa warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 81 noong April 21, 2017 sa kasong Qualified Theft.

Nakakulong na sa Romblon Municipal Police Station at inaasahang ihaharap sa korte para sa kanyang kaso.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso ni Solo.