Calabogo ES hosts DepEd-Romblon's 'Brigada Eskwela' kick off ceremony

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Courtesy:Roberto MaderaCourtesy:Roberto Madera

Pinangunahan ng Calabogo Elementary School sa bayan ng Romblon, Romblon ang isinagawang kick off ceremony ngayong araw ng Brigada Eskwela 2018 sa buong lalawigan ng Romblon.

Pinangunahan ang kick off ceremony ni Department of Education - Romblon (DepEd-Romblon) Supt. Roger Capa, at ng mga opisyal ng lalawigan at bayang Romblon kasama si dating Congressman Eleandro Madrona.

Dumalo rin sa nasabing kick off ceremony ang mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station, kasama ang mga guro, estudyante, at mga magulang sa nasabing paaralan.

Sabay-sabay silang naglinis ng mga classrooms, nagpintura ng mga upuan, at naglinis sa buong compound ng school.