by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 04 September, 2015
Patuloy na umaasa ang kapulisan sa Romblon na malapit na nilang ma-resolba ang pagpatay kay Rezin Galicha noong nakaraang buwan sa loob ng kanyang boarding house sa Romblon State University Main Campus sa Odiongan.
Ayon sa text message na pinadala sa Romblon News ni Police Superintendent Juan Añonuevo, Provincial Director ng PNP sa Romblon, sinabi nitong tiwala silang ma-sosolve ang kaso dahil meron naman umanong mga leads ang kapulisan.
Sinabi pa ni Police Superintendent Añonuevo na patuloy ang isinasagawa nilang paghahanap ng ibedensya na makakapagturo sa kanilang suspect.
Hindi rin umano sila titigil hanggang hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Rezin Galicha.



