Biyahe ng mga Pumpboat Ngayong Araw, Suspendido parin

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Sunday, 23 August, 2015

Kanselado paring ngayong araw ang mga biyahe ng pumpboat at RoRo galing Romblon Island patungong Tablas Island t Sibuyan Island, ayon sa Coast Guard Romblon.

Ito ay dahil sa nakataas na gale warning sa buong seaboard ng Luzon na itinaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Kanselado rin ang biyahe ng mga pumpboat galing Odiongan patungong Mindoro ngayong araw.

Paalala ng Coast Guard Romblon, may biyahe ang mga barko patungong Batangas at Caticlan ngayong araw.

Ayon pa sa PAGASA, inaasahang unti-unting gaganda ang panahon paglumabas na ang bagyong Ineng sa Philippine Area of Responsibility sa Lunes.