Saint Joseph Cathedral jampacked during 'TonTon'

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

The Saint Joseph Cathedral in Romblon, Romblon yesterday was jampacked during the Tonton. (Photo Courtesy of The 5500 Project)The Saint Joseph Cathedral in Romblon, Romblon yesterday was jampacked during the Tonton. (Photo Courtesy of The 5500 Project)

Inilabas kahapon ng hapon sa Saint Joseph Cathedral sa Romblon, Romblon ang imahe ni Señor Santo Niño de Romblon para iikot sa kalsada sa bayan bilang hudyat ng pagsisimula ng Biniray Festival 2017.

Napuno ang mga kalsada at maging ang Saint Joseph Cathedral ng mga deboto ng santo.

Ang ilan sa kanila, galing pa sa karatig isla at ibang probinsya at piniling mag leave muna ng isang araw sa trabaho para lamang dumayo sa Romblon, Romblon para sa kapistahan.

Hiling naman ng ilang mga debotong nakausap ng Romblon News Network, sanay bantayan ng Santo ang buong lalawigan lalo na sa mga sakuna at sakit.

Bago iikot ang imahe ni Señor Santo Niño de Romblon sa bayan, nagkaroon muna ng maikling misa sa loob ng simbahan.