PNP: Hindi si PO2 Masajo ang bangkay na natagpuang palutang-lutang sa Masbate

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, July 27, 2015

Kinompirma ni Police Senior Superintendent Juan B. Annonuevo, Provincial Director ng Romblon Provincial Police Office na hindi si PO2 Paul John Masajo ang natagpuan bangkay na palutang-lutang sa Cawayan, Masbate noong July 25, 2015.

Ayon sa text message ni Annonuevo sa Romblon News, hindi pa rin nakikita ang katawan ni PO2 Masajo hanggang sa kasalukuyan.

Matatandaang nawala si PO2 Masajo matapos lumubog ang sinasakyang bangka habang nasa biyahe patungong Banton Island, Romblon na nagresulta naman sa pagkamatay ni PO1 Imee Magada.

Patuloy naman ang mga hakbang na isinasagawa ng pamunuan ng Philippine National Police at Philippine Coast Guard sa paghahanap sa nawawalang pulis.