Labi ni PO1 Magada, naihatid na sa huling hantungan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 25 July 2015

PO1 Imee Magada, inihatid na sa huling hantungan kanina. | Photo: Romblon PCR

Inihatid na ngayong araw sa huling hantungan sa Romblon, Romblon ang mga labi ni PO1 Imee Magada na nasawi matapos maaksidente ang sinasakyang motorbanca habang nasa biyahe patungong Banton Island noong nakaraang Martes, July 14, 2015.

Idinaan ang mga labi ni PO1 Magada sa isang simbahan upang magsagawa ng maikling necrological service.

Nagbigay ng pasasalamat ang pamilya ni PO1 Magada para sa mga tumulong na manalangin para sa kanyang anak simula nang ito ay maiulat na nawawala hanggang sa natagpuan ang katawan nito sa Camarines Sur.

Inihatid naman si PO1 Magada ng mga kasamahan nito sa Romblon Provincial Police Office sa pangunguna ni Police Senior Superintendent Juan B. Anonuevo.

Nag-alay rin sila ng tinatawag na volley fire, bilang pagbibigay galang sa nasawing kasamahan.

Ang pamunuan naman ng Banton Municipal Police Station, idinaan sa isang tula ang pangungulila sa nasawing kasamahan.