Lalaking wanted sa Odiongan dahil sa kasong rape, arestado sa Cavite

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Naaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station ang lalaking wanted sa bayan ng Odiongan dahil sa kasong rape.

Kinilala ang suspek na si Marnie Ferry, 28 anyos, residente ng Barangay Rizal.

Si Ferry ay naaresto sa Bacoor, Cavite sa bisa ng isang warrant warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 82 noong August 2019.

Ang operasyon ay ikinasa ng Odiongan MPS sa pakikipagtulungan ng Batangas Maritime Police Station PPA Batangas at HPG Romblon.

Mula sa Cavite ibabiyahe si Ferry pabalik ng Odiongan para iharap sa korte.

Walang piyansa ang kanyang kaso.