by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 15 July 2015

Inanunsyo ng pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO na mawawalan ng kuryente ang walong (8) barangay sa bayan ng Odiongan sa paparating na July 17, Biyernes.
Ayon sa TIELCO, magsisimula ang power interruption 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Ang nasabing power interruption ay para bigyang daan ang pagkakabit ng kuryente sa bagong Legislative Building ng pamahaalan ng Odiongan.
Ang mga lugar na maapektuhan ng brownout ay ang mga Barangay ng Tabin-Dagat, Liwanag, Liwayway, Budiong, Canduyong, Mayha, Rizal at Tuguis.



