Boat trips in Romblon, Batangas resumes Thursday

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Balik normal operasyon na ngayong hapon matapos tanggalin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang Tropical Cyclone Warning Signal sa lalawigan ng Batangas kasunod ng paglayo ng bagyong Ursula sa landmass ng Pilipinas.

Ayon sa Philippine Ports Authority, balik operasyon na ang mga barko ng Navios, Starlite Ferries, Montenegro Shipping Lines, at 2Go Travel na galing Batangas patungong Odiongan, Romblon, at Sibuyan.

May biyahe na rin simula ngayong hapon ang barko ng Montenegro galing Odiongan patungong Batangas ngayong hapon, habang bukas, December 27, naman muling babiyahe ang barko ng 2Go Travel at Starlite Ferries patungong Batangas.

Bagama't tapos na ang pasko, inaasahan parin ng otoridad na dadagsain parin ang mga pantalan sa mga susunod na araw dahil sa dami ng stranded na pauwi ng probinsya at dagdag pa ang mga biyahero na pauwi ng probinsya para doon mag bagong taon.