
Patay ang isang estudyante na babae matapos na masangkot sa aksidente ang sinasakyan nitong motorsiklo noong nakaraang December 10 sa bayan ng Odiongan.
Kinilala ang mga biktima na si Jessa Rose Rafael Galang, 16 taong gulang at grade 11 student ng Colegio de Tablas.
Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, nawalan umano ng kontrol ang motorsiklong mimaneho ng kuya nito na si Judy Rey matapos itong tumama sa gilid ng tricycle na susubukan sana nilang unahan.
Tumilapon sa kalsada ang dalawa at nagtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan dahil upang isugod sila agad sa Romblon Provincial Hospital. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang babaeng estudyante.
Dinala na sa Odiongan Municipal Police Station ang mga sangkot na sasakyan para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa aksidente.



