Ilang bahay sa Odiongan, nalubog na sa baha

Written by Ivan Macabenta

by Ivan MacabentaRomblonNews | Friday, 10 July 2015

As of 10PM, Ilang bahay na ang pinasok ng baha sa Barangay Dapawan sa bayan ng Odiongan dahil sa tuloy-tuloy na pag buhos ng malakas na ulan na may kasamang malalakas na hangin. Ito ay dahil parin sa hanging habagat na pinalakas ng mga bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa pagbabantay ng Romblon News Team sa Odiongan, halos-4 na oras na tuloy-tuloy ang nararanasan na ulan sa lugar at ilang karatig bayan sa Tablas Island.

Ayon sa ilang residente sa ng Barangay Dapawan, mababa talaga ang lugar nila kaya mabilis bahain kapag may malakas na ulan.

Naka alerto naman ang mga Barangay Officials sa sakaling pagtaas pa ng tubig sa kanilang barangay.

Author: Ivan Macabenta | Romblon News
More Articles from the Author