Starlite Ferries' new route this December: Odiongan to Batangas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Simula ngayong Disyembre, biyaheng Odiongan - Batangas at pabalik na ang bagong barko ng Starlite Ferries.

Inanunsyo nila ito sa kanilang Facebook page nitong Lunes, November 11.

Ayon sa source ng Romblon News Network, babiyahe sila ng ala-9 ng umaga tuwing Tuesday, Thursday, at Saturday galing Odiongan patungong Batangas habang alas-7 ng gabi naman ang alis Batangas patungong Odiongan, Romblon tuwing Monday, Wednesday, at Friday.

Sagot umano ito sa pagdami ng mga pasahero na bumabiyahe patungong Tablas Island lalo na tuwing peak season.