Bentahan ng bulaklak, matumal parin dalawang araw bago ang Undas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Dalawang araw nalang bago ang UNDAS ngunit hindi parin ganun kasigla ang bentahan ng mga bulaklak sa Odiongan Public Market sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Ayon sa ilang may-ari ng flowershop na nakausap ng Romblon News Network nitong Miyerkules, matumal parin umano ang bentahan nila kahit malapit na ang UNDAS.

Tinataya nila na magiging mabenta ito simula bukas, besperas ng UNDAS, o di kaya ay sa mismong November 1.

Sa ngayon, normal pa rin naman umano ang presyo ng mga bulaklak rito.

Naglalaro ang presyo ng mga bulaklak mula P100 hanggang P350 kada bunddle dipende sa pagkaka-arrange nito.

Magtatagal ang bentahan ng mga bulaklak rito sa Odiongan Public Market hanggang sa November 3.