by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 08 July 2015

Muling nandilim ang Tablas Island, Romblon ngayong gabi matapos makaranas ng malawakang brownout pasado alas-9 ngayong gabi.
Halos 20 minutes naman bago naibalik ang ilaw sa bayan ng Odiongan kung saan nakatayo ang planta ng SUWECO at NAPOCOR.
Ang nasabing brownout ay nangyari habang bumubuhos ang malakas na ulan sa Odiongan at karatig bayan sa Isla.
Patuloy na kinukuha ng Romblon News ang opisyal na rason ng nasabing brownout sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc.
Paalala naman ng pamunuan ng TIELCO nitong mga nakaraang araw, asahan na ang power interruption sa tuwing nakakaranas ng malakas na hangin at ulan ang mga lugar na siniserbisyuhan ng nasabing electric cooperative dahil sa line faults.
Paul Jaysent Fos, is the Founding Editor of Romblon News Network



