
Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan di umano ng dahon ng marijuana sa isang COMELEC checkpoint na nilatag ng Odiongan Municipal Police Station sa Brgy. Tumingad, Odiongan, Romblon nitong gabi ng Martes.
Kinilala ni Police Senior Inspector Kenneth Guttierez ang suspek na si Benriv Carillo Fronda, 29 years, residente ng Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.
Ayon sa pulisya, nakita umano nila si Fronda na mag u-turn sana para umiwas sa checkpoint ngunit hinabol ito ng mga tropa ng pulisya at ng ma-corner hiningian umano ito ng ID. Habang kinukuha umano ni Fronda ang ID nito ay may nahulog di umanong isang transparent plastic na may pinaghihinalaang may lamang marijuana.
Nakakulong na ang suspek at maaring maharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous rug Act of 2002.
Wala pang pahayag ang suspek.



