by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, 08 September 2015

Sugatan ang dalawang lalake at natanggalan naman ng ngipin ang isang babae na sangkot sa isang aksidente sa bayan ng Odiongan sa Tablas Island pasado alas-4 ng hapon kanina, September 08.
Ayon sa kwento ni Alfred Subuingero, driver ng honda wave na motorsiklo na isa sa mga sangkot sa aksidente, papunta na sana sila ng kanyang kasama sa talyer sa Sitio Torrel, ngunit binangga umano sila ng isang 'motorstar' na motorsiklo na minamaneho ng isang babaeng estudyante ng Erhard Systems Technological Institute.
"Nakalampas na sana kami sa kanto ngunit inabot ang likod ng motorsiklo ng humaharorot na sasakyan." kwento nin Subuingero sa Romblon News.
Nangyari ang aksidente sa kanto ng Philippine National Bank - Odiongan sa Barangay Liwayway.
Agad naman dinala ang tatlo sa Romblon Provincial Hospital ng mga nakasaksi sa aksidente.
Pahirapan rin ang paglagay ng first aid sa nasabing babae dahil nakainum umano ito. Hirap rin siya makausap ng mga nurses sa nasabing Hospital.
Dinala na rin sa Odiongan Municipal Police Station ang dalawang motor.



