by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, 29 August, 2015
Nagkawasak-wasak ang unahan ng Isang motorsiklo matapos itong sumalpok sa bakod na kawayan sa Barangay Poctoy sa bayan ng Odiongan kaninang umaga.
Ayon kay Jeiel Jay Farquerabao, residente ng Barangay Poctoy, mabilis umano ang paandar ng driver ng motorsiklo.
Nagtamo naman ng sugat sa mukha ang matandang babae na sakay ng motorsiklo, habang galos naman ang natamo ng driver at ng isa pa nitong sakay.
Agad namang dinala sa Romblon Provincial Hospital ang matandang babae sakay ng isang tricycle upang gamutin ang sugat.
Wala umanong dalang helmet ang driver ng nasabing motorsiklo ng mangyari ang aksidente.
Dagdag pa ni Farquerabao, wala umanong preno ito at mabilis pa ang patakbo kaya nangyari ang aksidente.
"Super bilis po galing sila sa taas (Pato-o) eh pbaba. Putol yung preno niy sa likod ewan kung naputol dahil sa pg bangg. Wala ding preno sa harap." ayon kay Farquerabao.
Dinala na ang motorsiklo sa Odiongan Municipal Police Station.



