by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, 24 August, 2015
Humihiling ang pamilya ng witness sa publiko na hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng awtoridad bago tumalon sa kung ano-anong kumento.
Ayon sa pahayag na ipinaabot ng tatay ng witness sa Romblon News, sinabi nitong nalulungkot sila sa malaking dagok na dumating sa buhay nila.
Hiling rin niya na huwag sana nilang husgahan ang kanyang anak ng kung ano-ano dahil biktima rin siya at sana laparan ng mga nagbabasa ang isip nila.
Kahit umano sila naghahanap rin ng hustisya sa pagkamatay ni Rezin.
Ayon naman sa isang malapit sa witness ng makapanayam ng Romblon News, kilala nila ang witness na napakabait na bata at tanging nag-iisang anak na inaasahan ng kanyang pamilya na makapapag-tapos sa kolehiyo.
Dagdag pa ng source, laging iniisip lang ng witness na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya.



